Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.
Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
grabi!kay sna isipin natin na tyo ay maswerte dhil hindi ntin nranasan ang naranasan ni jose rizal.
huh .. nakakalungkot nmn .. ni2 at tsaka kung cnu man ang gumawa ni2 maraming araming salamat di2 sa kwentong ito… :))
si dr jose rizal ay ating pambansang bayani kaya dpat natin sya igalang
ty for information it can help others filipino if they read this carefully
may assignment na ako para buka
approv
ganda ng talambuhay ni rizal!!!he’s my inspiration….
si dr.jose p. rizal ay idol ko dahil napakahusay nya mag sulat at sya din ay matalino at msipag at sana maging katulad nya ako………………
kailangan ntng gyhn c rizal dhl siya’y dakila….
si Jose P. Rizal ang dahilan kung bakit may kalayaan tayo . .
dapat bigyan natin ng halaga ang mga bagay na ipinag laban ni Rizal
………………………… thanks for the story
galangin ntin ang pambansang bayani ng pilipinas;::::;
dapat tayongsumonod sa yapak ng ating bayani na si dr. jose rizal
galing amn ni dr. jose p. rizal
sa hindi malamang dahilan ay totoong hindi pa officialy pambansang bayani si rizal. ngunit hindi naman na talaga kailangang maging official para siya ay maging isang bayani dahil talaga namang sa kanyang ginawa ay tunay na maituturing siyang bayani ng bansang pilipinas. thank you!
ang ganda ng talambuhay ni rizal…. sana ay maging isa rin akong bayani katulad ni rizal……
Ako rin Tayung dalawa ang gustong maging si Dr.Jose Rizal
Totoong bayani talaga si rizal
ammmm ang pambansang bayani po natin ay si dr.jose protacio rizal mercado y. alonzo realonda at yun na po ang tunay na ating pambansang bayani KKK
si jose rizal ay napakatotoo at pagiging bayani
Yes may assingnment na ako
si dr jose rizal ay mabait na tao bakit kaya pinatay ng sariling bayani
mahal ko talaga si dr.JOSE RIZAL