I have compiled here some of Jose Rizal’s famous quotes in Filipino (Tagalog) taken from El Filibusterismo. I hope these can help many students coming to joserizal.com for their homework :).
- “Napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw ito kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo.”
- “Nalilimot ng bawat isa sa inyo na habang napag-iingatan ang isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kaniyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kaniyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip. Ang wika ang pag-iisip ng bayan.”
- “Kapag may mga uban na po akong tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi ginhawa ang magagawa’t nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang bawat uban, at sa halip na ikaliwalhati ko’y dapat kong ikahiya.”
- “Ilang dantaon po mula ngayon, kapag naliwanagan at natubos na ang sangkatauhan, kapag wala nang mga lahi, kapag malaya na ang lahat ng mga bayan, kapag wala nang nang-aalipin at napaaalipin, mga kolonya at mga metropolis, kapag naghahari na ang iisang katarungan at ang bawat isa’y mamamayan na ng daigdig, tanging ang pagsampalataya po sa siyensiya ang malalabi. Magiging singkahulugan ng bulag na pagsamba ang patriyotismo at sinumang magmagaling na nagtataglay ng katangiang ito ay walang alinlangang ibibilanggo na tulad ng isang may nakahahawang sakit, isang manliligalig sa kaayusang lipunan.”
- “Ang dalisay na hanging ito at ang mga batong itong napakalilinis ay mapupuno ng karbon, ng mga kahon at bariles, ng mga bunga ng sipag ng tao.”
- “Ang mga henyong ipinapalagay ng mga karaniwang tao na nauna sa kanilang panahon ay nagmistulang gayon sapagkat tinatanaw ng mga humahatol mula sa malayo o napagkakamalang isang buong siglo ang buntot na tinatahak ng mga naiwanan.”
- “Naglalaho sa loob ng klase ang mga hadlang na itinatayo ng politika upang hatiin ang mga lahi, natutunaw wari sa alab ng kaalaman at kabataan.”
- “Upang matawag na isang dakilang kritiko, wala nang hihigit pa sa pagpapamalas ng kawalang-kasiyahan sa lahat ng bagay.”
- “Ano sa makatwid ang isang Unibersidad? Isang institusyon para hindi matuto? Nagtitipon-tipon ba ang ilang tao sa ngalan ng kaalaman at pagtuturo para hadlangang matuto ang iba?”
- “Pinag-uusapan siya ng lahat dahil mayaman… Bumabalik ang mga sundalo mula sa mga kampanya, may sakit at sugatan, ngunit walang dumadalaw sa kanila!”
- “Isa rin akong Espanyol, pero bago ang pagiging Espanyol ay tao ako at bago ang Espanya ay sa ibabaw ng Espanya ay ang kanyang dangal, ang matataas na prinsipyo ng moralidad, ang mga walang-hanggang prinsipyo ng hindi nagbabagong katarungan!”
- “Nawalan muli ng isang oras ang buhay ng bawat kabataan, saka isang bahagi ng kaniyang karangalan at paggalang sa sarili, at kapalit ang paglaki sa kalooban ng panghihina ng loob, ng paglalaho ng hilig sa pag-aaral, at pagdaramdam sa loob ng dibdib.”
- “Mga mamamayan din ang mga bumubuo ng gobyerno at sila ang higit na nakapag-aral.’
‘Ngunit tulad po ng ibang tao, nagkakamali kaya hindi dapat maging bingi sa kuro-kuro ng iba.” - “Nasa isip ng lahat na ang gobyerno, bilang isang institusyong likha ng tao, ay nangangailangan ng tulong ng lahat, nangangailangan ito ng magpapakita at magpapaalam sa mga tunay na pangyayari.”