Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.
Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
Bakit poh Rizal ang Apelyido nYa
eh..
Mercado Tatay nya?
hay salmat magagawa ko na assignment ko
ako sana si jose rizal
thank po
Ang ganda talaga ng talata ni Jose Rizal..hehehe tas ang bright pa..
Dapat tayo ay matulung -tulungan para hindi nila makalimutan nila si Dr.Jose Rizal
huwag nating kalimutan ang ating pambansang bayani hanggang ngayong kasalukuyan
HuWaG nTIn KalImUtan ang BAyAnI
ibinuhis niya ang kanyang buhay..kapalit ng ating kalayaan?
tama
uhmmmmm……. salamat naka pag research n akoh may mapapasa n ako sa takdang aralin namin maraming salamat ..
mabuti kapa ako wala……………………………….
glangin ntin ang pambansang bayani
dapat natin phalagan xi dr jose rizal
para sa taga tv.network kung nais natin umunlad ang pinoy film,please wag nyo tangkilikin ang mga foriegn films and tv shows.
yeeheey!!!!!!!may assignment na ako……..
nakatutulong talaga it0 sa aking takdang aralin
salamat sa tulong mo sa pilipinas salamat sa lahat na ginawa mo sa pilipinas para lang makalaya
si jose rizal ay nabuhay upang ipakita sa ating lahat, na lahat ng pilipino ay puwedeng ipagmalaki ang kani-kanilang talento at kakayahan sa buong mundo. sana pahalagahan natin ang mga nagawa ni rizal at ang lahat ng bayani ng ating bansa.MABUHAY ANG LAHAT NG PILIPINO!!!!!!!!!!!!!!!!!!?:)
Wag tayung mag nakaw sa ating mundo
thanks may assignment narin!!! mabuhay si Rizal!!!
pahalagaan natin ang ating pambansang bayani dahil siya ang nangaral sa ating bansa:):):):):):)
Dr. Jose Rizal