Imno sa Paggawa (Hymn to Labor)

KORO

Dahilan sa Bayan sa pagdirigmaan,
Dahil sa Bayan din sa kapayapaan,
Itong Pilipino ay maasahang
Marunong mabuhay o kaya’y mamatay.

(Mga Lalaki)

Nakukulayan na ang dakong Silangan,
Tayo na sa bukid, paggawa’y simulan,
Pagka’t ang paggawa’y siyang sumusuhay
Sa bayan, sa angkan, sa ating tahanan.

Lupa’y maaring magmamatigas naman,
At magwalang-awa ang sikat ng araw
Kung dahil sa anak, asawa at Bayan,
Ang lahat sa ating pagsinta’y gagaan.

KORO
(Mga babaing may Asawa)

Magmasigla kayong yao sa gawain,
Pagka’t ang baba’y nasa-bahay natin,
At itinuturo sa batang mahalin
Ang Bayan, ang dunong at gawang magaling

Pagdatal ng gabi ng pagpapahinga,
Kayo’y inaantay ng tuwa’t ligaya
At kung magkataong saama ang manguna,
Ang magpapatuloy ang gawa’y ang sinta.

KORO
(Mga Dalaga)

Mabuhay! Mabuhay! Paggawa’y purihin
Na siyang sa Baya’y nagbibigay-ningning!
At dahil sa kanya’y taas ng paningin,
Yamang siya’y dugo at buhay na angkin.

At kung may binatang nais na lumigaw,
Ang paggawa’y siyang ipaninindigan;
Sapagka’t ang taong may sipag na taglay,
Sa iaanak nya’y magbibigay-buhay.

KORO
(Mga Bata)
Kami ay turuan ninyo ng gawain;
At ang bukas ninyo’y aming tutuntunin
Bukas, kung tumawag ang bayan sa amin,
Ang inyong ginawa’y aming tatapusin.

Kasabihan niyong mga matatanda:
“Kung ano ang ama’y gayon din ang bata,”
sapagka’t sa patay ang papuri’y wala.
Maliban sa isang anak na dakila.

(Visited 2,757 times, 3 visits today)